Law for Art's Sake

A series of lecture/sharing sessions on Philippine laws governing the arts (specifically copyright and contracts) entitled Law For Art's Sake (Summer 2007 session) will be held on April 21, 28, and May 5, 12, 19, 26 from 11 am to 12:30 pm at the BlueWings ArtSpace, 2nd Floor, Rafa's deli + cafe, Unit C 10 Xavierville Ave., Loyola Height, Quezon City.
more . . .


Res Ipsa Loquitor

The first one-woman photo exhibit of Billie Sue Go-Lim entitled Res Ipsa Loquitor will open on 26 March 2007 at the Bluewings ArtSpace, 2nd Floor, Rafa's deli + cafe, 10-C Xavierville Avenue, Loyola Heights, Quezon City.
more . . .


Performance Poetry Pound Plenty

Roger Robinson of the renowned UK-based performance poetry group Apples & Snakes will be in Manila for the British Council's live literature programmes this month.
more . . .


Kapusuan: Gabi Ng Panitik at Pag-ibig

Inaanyayahan ng Linangan sa Imahen Retorika at Anyo (LIRA) at ng Conspiracy Bar ang lahat na maghandog ng tula ng pag-ibig para sa Valentine edition ng ConspiWriters Night sa ika-13 ng Pebrero, mula ika-7 hangang ika-9 ng gabi sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Quezon City.
more . . .


Anima, A Celebration Of Being

Celebrate Halloween early with poetry and music with Anima, a celebration of being at Rafa’s Deli+Café on October 14, 2006, Saturday, 6 pm.
more . . .



We'd like to see your own original verse! Submit your poetry to PinoyPoets and get the chance to have them posted on the site!

We would be glad to have you with us as we pay homage to the Muses of the Written Word.



 

Sa Mga Kalabaw sa Greenbelt
Jonar Sabillano

Hindi ko alam kung matatawa ako o magtataka kanina, noong nakita ko
kayong sumusunod sa amo niyo sa kapilya ng Santo Niño. Paano ba
naman, sino'ng gago ang nag-isip na ilagay kayo sa gitna ng
kongkreto at bato, sa gitna ng puno, gusali, pusali?

Hayan kayo, nakabalandra, natigilan sa paghahakbang, dinadaanan
nilang hindi nakaaalam na nariyan pa rin kayo -- hindi alam na
kayo'y sinasakyan, pinang-aararo, ibinibilad sa dilim upang patuyuin
ang putik ng maghapon! Napaka-itim ninyo -- sing-itim ng magsasakang
nakasakay sa inyo, sing-itim ng tubig na naiipon sa paligid ng
kapilyang puti, sing-itim ng lupang nilalakaran, dinadaanan,
pinaglalaruan ng mga batang walang muwang! Sino pa ba'ng
makapagsasabing ginagamit pa rin kayo, habang wala kayong lugar sa
kabihasnan?

O mga sinumpang anakronismo sa gitna ng lugar na banal na hindi man
lang sinisikatan ng araw! Kailan kayo magpupumiglas sa mga tali ng
lungsod at babalik sa nayon? Hinahanap na kayo ng amo ninyong
inagawan, ninakawan, pinagkaitan ng lupang sinasaka niya! Simulan na
ninyo ang pagwawala, dito, sa poder ng mga Ayala, at wasakin ang
kalikasang huwad sa gitna ng semento!

Sapagkat walang damo rito, kundi abo lang ng mga sigarilyo ng mga
konyo sa Figaro. Sapagkat walang sapa rito, kundi burak na pugad ng
mga lamok at tagasalok ng dumi ng lungsod.

Sige, humayo, magparami, ihayag sa lahat na walang pag-asa rito, sa
lugar na kung saan bawal kainin ang damo.