Law for Art's Sake

A series of lecture/sharing sessions on Philippine laws governing the arts (specifically copyright and contracts) entitled Law For Art's Sake (Summer 2007 session) will be held on April 21, 28, and May 5, 12, 19, 26 from 11 am to 12:30 pm at the BlueWings ArtSpace, 2nd Floor, Rafa's deli + cafe, Unit C 10 Xavierville Ave., Loyola Height, Quezon City.
more . . .


Res Ipsa Loquitor

The first one-woman photo exhibit of Billie Sue Go-Lim entitled Res Ipsa Loquitor will open on 26 March 2007 at the Bluewings ArtSpace, 2nd Floor, Rafa's deli + cafe, 10-C Xavierville Avenue, Loyola Heights, Quezon City.
more . . .


Performance Poetry Pound Plenty

Roger Robinson of the renowned UK-based performance poetry group Apples & Snakes will be in Manila for the British Council's live literature programmes this month.
more . . .


Kapusuan: Gabi Ng Panitik at Pag-ibig

Inaanyayahan ng Linangan sa Imahen Retorika at Anyo (LIRA) at ng Conspiracy Bar ang lahat na maghandog ng tula ng pag-ibig para sa Valentine edition ng ConspiWriters Night sa ika-13 ng Pebrero, mula ika-7 hangang ika-9 ng gabi sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Quezon City.
more . . .


Anima, A Celebration Of Being

Celebrate Halloween early with poetry and music with Anima, a celebration of being at Rafa’s Deli+Café on October 14, 2006, Saturday, 6 pm.
more . . .



We'd like to see your own original verse! Submit your poetry to PinoyPoets and get the chance to have them posted on the site!

We would be glad to have you with us as we pay homage to the Muses of the Written Word.




ABOUT OUR MARCH PINOYPOET OF THE MONTH:


Pangalan: Edgar "Ega" Bacong
Kapanganakan: Abril 22
Paaralan: Ateneo de Davao University
Kurso: Bachelor of Arts in Sociology
Mga nadaluhang talakayan/palihan/lektyur: Hanggang ngayon wala ni isa man pero umaasam na sana makadalo sa hinaharap.

A. Kuwentuhan mo naman kami kung ano ang isang pangkaraniwang araw para sa iyo.

Magmula nang ako'y mangibangbayan ganito na ang takbo ng aking araw--- tulog, kain, trabaho, tulog, kain, trabaho, tulog, kain, trabaho na madalas ay nabubulabog ng mga paghahabol sa tren, trambiya at kung anu-ano pang iskedyul na kailangang tupdin. Kaya malaking konsuwelo na sa akin ang makipagtagpo sa isang kaibigan upang makipagkuwentuhan habang lumalagok ng paborito kong Shiraz Cabernet.

B. Anu-ano ang mga binabasa mo ngayon?

Na-inlab ako sa pelikulang Brokeback Mountain kaya kaniig ko ngayon ang screenplay nito na sinulat nina Larry McMurthy at Dianna Ossana. At sa tuwi-tuwina'y binabalikan ko ang mga paborito kong koleksiyon gaya ng mga sumusunod---The Complete Collected Poems of Maya Angelou, Even The Stars Look Lonesome by Maya Angelou, Pag-uwi, Pag-uli, Homecoming Poetry in Three Tongues by Merlinda Bobis, I Put A Spell On You (The Autobiography of Nina Simone) with Stephen Cleary, Antolohiya Ng Mga Piling Nagwaging Akda (Tula) ng Dekada 80 na nilathala ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at Life Lessons by Elisabeth Kuebler-Ross & David Kessler.

C. Kailan ka nagsimulang tumula? Ano ang nag-udyok sa iyong tumula?

Nag-umpisa akong tumula no'ng naging aktibo ako bilang manggagawang pangkultura sa loob at labas ng Ateneo campus. Di mangilan-ngilan sa mga nasulat ko noon ang ginamit sa mga simpleng palabas. Kaya doon ko unang nakilala ang isang porma ng pagtatanghal na tinatawag na dula-tula o dramatized poetry. No'ng mga panahon ding iyon nakilala ko ang ilang mga estudyante na nagpakita ng kanilang hilig sa pagtula. Sa pagitan ng maraming mobilisasyon at pagtitipon nagpalitan kami ng aming mga tula o di kaya'y ng mga libro ng paborito naming mga makata. At magmula noon nagpatianod na ako sa lawa ng mga talinghaga.

D. Paano mo masasabing "iyo" ang isang tula?

Noong nasa Dabaw pa ako't aktibo sa kilusang protesta idineklara ko sa sarili na lahat ng aking mga tula ay di sa akin kundi sa masa. Utang ko ang mga ito sa pakikisalamuha ko sa kanila. Matindi ang pag-iral ng sense of collectivism di lang sa aking mga nilikha kundi gayundin sa araw-araw kung mga ginagawa. Ngunit magmula nang ako'y nalayo sa aking bayan natutuhan ko na ring ituring ang aking mga katha bilang sariling supling. Dahil prinoseso ko sila magmula sa isang payak na ideya hanggang sa ito'y napalamnan di lang ng mga elemento ng isang tula kundi higit sa lahat may bahid sila ng mga paniniwala ko't adhikain sa buhay.

E. Sinu-sino ang mga nakapag-impluwensiya sa iyo?

Ang mga tula nina Joi Barrios, Jose Lacaba, Teo Antonio, Don Pagusara, Tomas Agulto, Elynia Mabanglo, Lilia Quindoza Santiago at Jun Cruz Reyes, ang maituturing kong mga Ninong at Ninang ng aking panulat. Sa kanilang pananaludtod una kong nasipat ang kahalagahan ng pagpili ng mga napapanahon na tema bilang nilalaman ng tula at ang maingat nilang paglapat nito ng mga metaporang naiugnay ko di lang sa sarili kundi maging sa pambansang karanasan.

F. Ano pa ang nais mong makita sa Panulaang Filipino?

Nais kong maging puspusan ang paglulunsad ng mga palihan na di lamang nakakulong sa mga akademya kundi para rin sa mga komunidad at iba't-ibang sektor ng lipunan. Nang sa gayon lumaganap sa buong Kapuluan ang kaalaman at pagpapahalaga sa Panulaang Filipino.

G. Mayroon ka bang kasalukuyang proyekto? Maaari mo ba kaming kuwentuhan tungkol dito?

Nasa yugto ako ngayon ng pagkokonseptwalisa ng pangalawa kong koleksiyon ng mga tula. Pinaglalaruan ko pa ang katagang "Biyahero". Kadalasan kasi ang paglalakbay ko sa iba't ibang kontinente ay nagiging balon ng inspirasyon ng aking mga sinusulat. At nais ko itong isalarawan sa pamamagitan ng mga taludtod sa halip na mangongolekta lamang ng mga makukulay na litrato't ididikit sa album gaya nang nakasanayan. Palagay ko akmang-akma ang proyektong ito bilang pagtatapos ng mahigit isang dekadang pakikipamuhay ko dito sa Switzerland.

H. Ano para sa iyo ang pinakamagandang bahagi ng pagiging isang makata? Ng pagiging isang Pinoypoet?

Sa aking mga pagtatangkang mapabilang sa panulaang Filipino, pinakamataas na pribelehiyo ang pagiging bahagi ng isang napakayaman na tradisyon na pagtula dito sa Pilipinas. Kaakibat din nito ang tungkulin na isulong pa at lalong pagyamanin ang tradisyong ito. Naririyan rin ang kasiyahan at hirap ng buong karanasan ng pagdadalangtula.

Palagay ko ang pinakamagandang bahagi ng pagiging isang makata ay ang pagkilala ng madla sa kanyang akda na ito'y obra at di lamang sala-salansan ng mga letra.

Bilang bahagi ng Pinoypoet pakiwari ko'y iskolar ako na kumukuha ng kurso sa Malikhaing Pagsusulat sa isang tanyag na Unibersidad.