The second of our lecture series, held last April 24, was heralded by poet-activist Danton Remoto. Pinoypoets partnered with Anvil Publishing and Powerbooks for this. Danton discussed the topic "Desire and Doom in Philippine Gay Poetry." As expected, the discussion that afternoon became a "riot." Andaming nakiusyoso, siguro nahihiya lang silang pumasok sa lecture area ng Powerbooks. Sabi nga ni Danton, na "baka mga pamhinta, ayaw mahuli na nakikinig sa lecture on Philippine gay lit."
Come Q & A time, I asked him kung maituturing na bang "doom" ng Philippine gay literature na ang laging topic ay sex, katulad na lamang ng mga gay indie film ngayon. He replied na tamang kapansin-pansin na puro sex ang topic ng mga young gay writer ngayon. Pero isa sa proof ang Ladlad 3 na kung saan mababasa ang ilang gay writers who explored their gayness through children's literature, fables, fairy tales, at anime/technology. Sa US din daw, mayroon nang mga gay-themed detective novels, also horror books. Sana daw ay patuloy na mag-explore ang mga young gay writers ng mga topic tungkol sa pagiging bakla, o ng kanilang kabaklaan. Hindi lang puro sex.
I also told him na baka "doom" na ng sarili niyang Philippine gay literature ang balak niyang pagtakbo sa Senado. Hindi raw, sabi niya. Kung mabibigyan daw siya ng chance na ma-elect, ay hindi daw siya titigil na magsulat. Itutulad daw niya ang sarili kay Pablo Neruda, who kept on writing even when elected to the Peruvian Senate.
Excited ang Pinoypoets members nung nagtanong si Ergoe ng photo-op with Sir Danton. She asked him kung may hand sign ba daw siya for the campaign, since sina FVR at Cory ay meron. Jokingly, itinikwas ni Sir Danton ang pinkie niya. Kaya ayan, may picture kami na nakatikwas ang aming pinkies.